Higit P600K halaga ng shabu nasabat sa Olongapo

Higit P600K halaga ng shabu nasabat sa Olongapo

November 7, 2022 @ 2:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad mula sa isang linggo operasyon ang mahigit P614,000 halaga ng shabu sa Olongapo City.

Ayon sa Olongapo City Police Office (OCPO), umabot sa 20 suspek ang kanilang naaresto kasama ng P614,720 halaga ng shabu mula sa mga ito mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.

Walong operasyon ang ikinasa sa naturang lungsod at umabot naman sa 90.4 gramo ng shabu ang nasabat.

Dagdag pa ng pulisya, nasa siyam na most wanted persons din ang kanilang nasakote sa kaparehong panahon. RNT/JGC