Higit P6M damo nasakote sa Caloocan

Higit P6M damo nasakote sa Caloocan

September 9, 2022 @ 12:50 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Syut sa kulungan ang isang kelot na sangkot sa iligal na droga matapos itong madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.

Nakapiit sa detention ng Caloocan City Police ang suspek na kinilalang si Jenny Roy Dayrit, 24, residente ng Hermosa St., Tondo, Manila.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PCpl Juan Miguel Madlangbayan, dakong alas-6:05 ng umaga ng magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police sa second floor, unit 2-G, building 361, Brgy. 18 ng lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sa ulat ng pulisya, isang undercover na pulis ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at makabili ng isang kilo ng marijuana at nang ibigay na ng suspek ang binili na droga ng pulis ay agad itong inaresto.

Narekober kay Dayrit ang 52 pirasong bricks transparent plastic wrapped na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 52,000 grams at may standard drug price na P6,240,000, isang genuine P1,000 peso bill at 8 pirasong P1,000 pesos boodle money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, Art II of RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. R.A Marquez