Higit P6M ecstasy nasamsam ng BOC

Higit P6M ecstasy nasamsam ng BOC

October 13, 2021 @ 7:04 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA ang nasa higit P6 milyon halaga ng ecstasy tablet na nakapaloob sa dalawang parsel na nagmula sa bansang Germany.

Ayon sa BOC, nagsagawa sila ng random inspection sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City kung saan dumaan sa x-ray ang mga padala at lumabas na may kahina-hinalang laman ang dalawang improvised pouches kaya’t isinailalim ito sa 100% physical examination.

Dito na nadiskubre ang nasa 3,865 tablet na may hugis “hexagon” at “skull” na kinumpirmang ecstacy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagkakahalaga ng P6,570,500.00.

Ang mga nakumpiskang ecstacy tablet ay nasa kustodiya na ng PDEA para sa case profiling at pagsampa ng kaukulang kaso sa responsible dito dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 (Republic Act No. 9165) na may kaugnayan sa Section 119 (Restricted Importation) at Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act No. 10863 o mas kilala na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).  JAY Reyes


  •  
  •  
  •