Higit P7.4M ‘shabu’ nasabat sa Bataan

Higit P7.4M ‘shabu’ nasabat sa Bataan

March 10, 2023 @ 11:06 AM 2 weeks ago


MARIVELES, Bataan- Nakumpiska ng mga pulis ang mahigit  P7.4 milyong halaga ng “shabu” (crystal meth) sa raid sa isang bahay sa bayang ito nitong Miyerkules.

Naaresto ng mga awtoridad ang isang suspek na kinilalang si Noel dela Cruz, 38, na nakuhanan din ng .45-caliber pistol at box ng ammunition sa police operation sa Barangay San Isidro.

May kabuuang P7,480,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa kanya, base kay Col. Romell Velasco, Bataan police director.

Isinailalim naman ang isang menor-de-edad na kasintahan umano ng suspek sa kustodiya ng local social welfare and development office.

Inihayag ng mga pulis na ang operasyon ay resulta ng ilang linggong pagtitiktik, at idinagdag na isa ito sa pinakamalaking drug hauls sa lalawigan. RNT/SA