Higit P9M marijuana nasabat sa Sulu

Higit P9M marijuana nasabat sa Sulu

July 20, 2021 @ 8:58 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aabot sa P9.4 milyong halaga ng mga marijuana na nakumpiska ng mga awtoridad sa bayan ng Luuk, Sulu noong Sabado.

Sinabing magsasagawa sana ng operasyon ang militar upang arestuhin ang isang nagngangalang Bakil at sirain ang napag-alamang marijuana plantation sa Sitio Tangan-Tangan, Barangay Lingah.

Nakuha rin ang dalawang malalaking kahon ng iligal na droga na nakatakda sanang ipadala.

Natagpuan ng mga awtoridad ang bahay ng suspek na si Bakil na malapit sa plantasyon ngunit hindi na ito naabutan.

Narekober din dito ang tatlong rifle din sa loob ng kanyang bahay.

Agad namang sinunog ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang dahon ng marijuana. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •