Higit piso taas-presyo ulit sa gas, diesel, kerosene

Higit piso taas-presyo ulit sa gas, diesel, kerosene

February 6, 2022 @ 11:48 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bad news na naman sa mga motorista dahil asahan na muli ang malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Batay sa pagtaya ng industriya ng langis sa bansa, nasa P1.10 hanggang P1.30 ang taas presyo sa kada litro ng gasolina, P1.00 hanggang P1.10 sa kada litro ng diesel, at P1.15 hanggang P1.25 sa kada litro naman ng kerosene.

Sakaling matuloy ang nasabing oil price hike, ito na ang ikalimang sunod na linggong sunod-sunod na pagtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo ngayong taon 2022.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes para ipatupad sa susunod na araw. JAY Reyes