Higpit-seguridad sa M’la North Cemetery ikinasa na ilang araw bago Undas

Higpit-seguridad sa M’la North Cemetery ikinasa na ilang araw bago Undas

October 28, 2022 @ 11:32 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Unti-unti nang dumadagsa ang mga Tao sa Manila North Cemetery ilang araw bago ang mismong araw ng paggunita ng Undas.

Kaya naman ang mga kapulisan ay magpapatupad na ng mahigpit na seguridad sa sementeryo.

May mga bike patrol na umiikot sa loob ng sementeryo at mga Swat mula MPD  at tauhan ng MPD-Station 3 ang nakakalat na sa MNC.

Katuwang ng kapulisan ang ilang force multipliers sa pagbabantay sa loob at labas ng sementeryo.

Ang mga walang vaccination card ay hinaharang na sa entrada lalo na ang mga batang 12 pababa.

Gayundin hindi rin pinapapasok ang may dalang alagang hayop o aso kung saan isang indibidwal kanina ang hindi na nagawang mabisita pa ang kanilang puntod dahil may kasama itong aso.

Kinumpiska rin ang ilang mga pinagbabawal na kagamitan tulad ng lighter, flammable materials, sigarilyo, gamit panlinis at iba pa.

Dumating din si PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. upang mag-inspeksyon sa MNC .

Ayon Kay Azurin, kunteto siya naman ang inilatag na paghahanda ng pamunuan na MNC at maayos naman ang isinasagawang seguridad ng MPD at NCRPO. Jocelyn Tabangcura-Domenden