Higpit-seguridad sa NCR ikinasa kasunod ng mga pagbobomba sa Mindanao

Higpit-seguridad sa NCR ikinasa kasunod ng mga pagbobomba sa Mindanao

May 31, 2022 @ 7:26 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinigpitan ang seguridad sa loob ng Metro Manila matapos ang insidente ng mga pagsabog sa Mindanao, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO regional director Maj. Gen. Felipe Natividad, iniutos niya ang mahigpit na pagpapatupad ng security measures at pagpapataas ng police visibility sa buong NCR kasunod ng pambobomba sa bus sa Koronadal, South Cotabato at isa pang pagsabog sa bus terminal sa Tacurong, Sultan Kudarat.

Nitong Lunes lang din nang yanigin ng kambal na pagsabog ang Isabela City sa Basilan.

Nauna nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong pangingikil bilang posibleng motibo sa pag-target sa bus liner.

“I call on the public not to be alarmed nor should to panic instead remain calm and vigilant. I also encourage everyone to be highly alert and report any suspicious person or behavior, report any unfamiliar face in the neighborhood to the barangay or nearest police station,” ani Natividad.

“Lahat ng mga aksyon ng terorismo laban sa mga tao ng anumang relihiyon, lahi o paniniwala, ay mga krimen laban sa sangkatauhan. At palaging banta sa seguridad ng anumang bansa,” dagdag niya.

Tiniyak ni Natividad sa mga residente ng Metro Manila na ang buong kakayahan ng pulisya ay gagamitin para matiyak ang kaligtasan sa kabisera na rehiyon, na masasabing pinaka-abalang lugar sa bansa.

“All acts of terrorism against people of any religion, race or creed, are crimes against humanity. And are always a threat to any nation’s security,” dagdag pa niya.

Sinabi ng NCRPO na ang publiko ay maaaring mag-ulat ng mga insidente o tip sa pamamagitan ng pag-text sa kanilang Text Hotline Numbers 0999-901-8181 at 0915-888-8181. RNT