Hijab sa uniporme, aprub sa PCG

Hijab sa uniporme, aprub sa PCG

February 3, 2022 @ 11:49 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Aprubado na sa Philippine Coast Guard (PCG) ang paggamit ng ‘hijab’ sa mga unipornadong babaeng Muslim na Coast Guard personnel.

Sinabi pa ng PCG, epektibo na ito noon pang Enero 25,2022.

Ipinaabot ng Muslim community ng PCG ang kanilang taos-pusong pasasalamat kay PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo V Laroya; Tagapangulo ng PCG Uniform Board, CG Vice Admiral Artemio M Abu; gayundin sa mga matataas na opisyal ng PCG at iba pang miyembro ng PCG Uniform Board para sa pagsuporta sa pagtatatag ng pagkakakilanlan ng ‘MUSLIM FATIMA’ sa serbisyo ng Coast Guard.

Umaasa ang mga miyembro ng nasabing komunidad na ang pagsasama ng hijab sa opisyal na uniporme ng PCG ay maghihikayat sa mas maraming kababaihang Muslim na sumali sa workforce ng Coast Guard.

Ang Hijab’ ay isang salitang Arabic na nangangahulugang ‘tinatakpan’. Ang Islam ay nag-aatas sa mga babaeng Muslim na magtakip sa publiko at sa presensya ng mga taong hindi ‘mahram’ na tumutukoy sa mga miyembro ng pamilya o mga taong pinahihintulutang makakita ng mga babaeng Muslim na walang saplot.

Gaya ng sinabi ni Propeta Muhammad: β€œIf a woman reaches the age of puberty, no part of her body should be seen but this, and he pointed to his face and hand”. Jocelyn Tabangcura-Domenden