Hikaw ni Marian sa cake ad, almost P1M!

Hikaw ni Marian sa cake ad, almost P1M!

February 23, 2022 @ 4:20 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Tila ang mga napapansin ng mga netzen ay hindi ang produktong ineendorso ng kanilang mga paboritong artista.

Take the case of a particular netizen who did her own research sa halaga ng pares ng hikaw na suot ni Marian Rivera sa endorsement nila ng asawang si Dingdong Dantes.

Mas “na-upstage” pa kasi ng pair of earrings ang ineendorso nilang Conti’s Chocolate Blush Cake.

Ayon sa pananaliksik ng netizen, Marian’s pair of earrings costs P956,280 when converted to peso.

Inaalam pa nito kung anong brand of expensive jewelry ito.

Sa iba namang posts ng Kapuso actress, hindi rin nakaligtas ang signature bag niya na may letrang B.

It turned out na ‘yun pala’y Balenciaga white snake hourglass.

For sure, it is among the proud luxury items na kinokolekta ni Marian.

Tuloy, napanganga ang maraming netizens sa rami ng mamanahin ni Zia kapag nagdalaga na siya.

Wala ring iniwan si Marian kay Sharon Cuneta na maraming luxury bags at jewelry na ipamamana sa kanyang tatlong babaeng anak, KC Concepcion included.

May mga nang-iintriga: how about Heart Evangelista who’s also a rabid collector of signature stuff?

To whom shall she pass them on, eh, wala naman siyang anak? Ronnie Carrasco III