HILDA C. ONG PINAGKALOOBAN NG SSS “Balikat ng Bayan” Media Personality award.

HILDA C. ONG PINAGKALOOBAN NG SSS “Balikat ng Bayan” Media Personality award.

October 4, 2022 @ 2:55 PM 2 months ago


Nag-uumapaw sa kagalakan ang puso ng inyong Agarang Serbisyo Lady dahil nito lamang September 30 ay nangyari na ang isa ko pang pangarap sa aking karera bilang isang broadcast journalist at ito ay ang

makatanggap ng prestihiyosong “Balikat ng Bayan” award mula sa SSS o ang Social Security System (SSS).
Mas naging memorable ang paggagawad ng
parangal ngayon taon dahil mismong si 
President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ang 
siyang nanguna sa pagkilala sa mga awardees.
Ang inyo pong lingkod ay pinagkalooban ng
“Balikat ng Bayan” Media Personality award.
Sinabihan kami ng SSS na maghanda ng
maikling masasabi kaugnay sa pagkilala.
Kaya nais ko sanang ibahagi sa inyo ang
mensahe sa pagtanggap ko ng napakahalagang parangal mula sa SSS.

Ang araw na ito ay katuparan ng aking labing-lima na taon bilang isang broadcaster at journalist. Wala sa pangarap ko maging bahagi ng mass media. Bachelor of Commerce major in accountancy ang tinapos ko sa University of Santo Tomaa at nagkaroon ako ng Doctor of Ministry in Alternative Medicine mula sa Los Angeles, California, United States. Pero sa larangan ng radyo at print media ako dinala ng kapalaran at tadhana.

 

Dahil nandito na ako sa propesyon na ito, pinili ko na lamang na makatulong sa marami nating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap, kaya ginamit ko ang aking programa sa radyo na “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” na umeere tuwing umaga sa DWBL 1242  at sa Good Samaritan / Caritas in Action sa Radio Veritas tuwing Biyernes, at ang aking regular column na “Ang Inyong Lingkod” sa RemateD’yaryo ng Masa, para makapaghatid ng tamang impormasyon at tamang serbisyo

 

Isa sa mga tinutukan kong government agency ay ang SSS dahil napakarami nating mga kababayan o mga miyembro na lubhang nalilito at napakaraming mga katanungan tungkol sa mga proseso kaugnay sa mga serbisyo at mga programa ng ating ahensiya. Hindi dahil sa hindi ipinapaliwanag ng SSS ang mga benepisyo at programa ng tama at maayos, kundi likas lang talaga sa mga Pilipino ang maging pala-tanong, hindi binabasa muna, hindi marunong gumamit ng online at pagiging segurista. 

 

Napag-alaman ko din na medyo maraming Filipino-Chinese businessmen ang delinquent sa kanilang obligasyon sa SSS, hindi dahil sa ayaw nilang mag-remit ng hulog para sa kanilang mga empleyado, kundi dahil sa “language barrier”, hindi magka-intindihan. Kaya isinalin ko sa fookien o hookien ang pagpapaliwanag sa prosesong dapat gawin, kaya nagawa naman at nakasunod ang marami nating negosyanteng Filipino-Chinese. Ganyan din ang ginawa ko sa ibang ahensya ng pamahalaan kapag hindi nila naiintindihan ang batas.  

 

Agarang Serbisyo Lady” na siyang ibinansag sa akin, dahil agarang ang pagtulong, hindi lang sa mga mahihirap pati na rin sa mga mayayaman sa panahon ng covid 19 pandemic 2020 to 2021.

 

Noong taong 2016 tumanggap ng Balikat ng Bayan Special Media Citation

 

Sabi ko noon sa aking sarili, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang bigating “Balikat ng Bayan” award.

 

At makalipas nga ang anim na taon, heto na, hawak ko na ang “Balikat ng Bayan” award para sa larangan ng media. Ang matagal kong pinapangarap.

 

Isa pong malaking karangalan para sa akin na regular nating nakakasama tuwing araw ng Martes ang SSS para sagutin ang mga ipinapadalang mga hinaing o katanungan, at pagpapaliwanag sa mga kautusan, mga benepisyo at mga programa ng SSS sa ating mga tagapakinig at tagapanood sa live stream sa Facebook at sa YouTube. 

 

Maraming salamat sa pagtitiwala at pagkakataon na maging tulay ng paghahatid ng tamang impormasyon sa ating mga kababayan at mga miyembro.