Hiling na emergency powers vs. traffic, binawi na ng DOTr-Poe

Hiling na emergency powers vs. traffic, binawi na ng DOTr-Poe

September 25, 2019 @ 7:51 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi na isusulong ng gobyerno ang hinihiling nitong emergency powers para sana mas madaling tugunan ang problema sa trapiko sa bansa, ayon kay Senator Grace Poe.

Inanunsyo ni Poe ang pagbawi ng Department of Transportation sa pag-withdraw nito sa hiling na emergency powers sa technical working group meeting kasama ang Senate public services committee noong Lunes. 

 “’Yun ang sinabi nila sa TWG. Ewan ko pero puwede naman nila iatras. Pero mayroon naman kami pagkakataon na ayusin ang isang plano para magkaroon ng traffic management,” ani Poe.

 “We actually received a message from Secretary Tugade that he echoes that statement of the President that he will no longer seek for emergency powers,” saad sa statement na nagmula sa opisina ni Poe na kino-quote si Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Richmund De Leon.

Matatandaang patuloy ang iringan ni Senator Poe at DOTr Sec Tugade dahil sa nasabing hinihiling na emergency powers. Remate News Team


  •  
  •  
  •