Hiling na family time ni PMS Angping pinagbigyan ni PBBM

Hiling na family time ni PMS Angping pinagbigyan ni PBBM

December 3, 2022 @ 8:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na humingi si Presidential Management Staff (PMS) Secretary Zenaida Angping ng “personal time” para sa kanyang sarili at pamilya.

Sinabi ng OPS na pumayag naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging kahilingan ni Angping.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang tugon ang Malakanyang sa tanong kung nagbitiw ba sa puwesto si Angping o nag- leave lang mula sa kanyang trabaho. Kris Jose