Hiling na i-unblock ang Bulatlat website, ibinasura ng korte

Hiling na i-unblock ang Bulatlat website, ibinasura ng korte

July 13, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Quezon City court ang hiling ng Bulatlat na temporary restraining order laban sa memorandum na nag-uutos sa internet service providers na i-block ang access nito sa kanilang website.

“Wala pang written order ang Court. The resolution was made in open court. Basis was, allegedly, the website bulatlat.com is still ‘accessible’,” saad ni Minerva Lopez, assistant secretary general ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

“We were not given a date as to when the written order will be available. We were just advised that it will be sent via email,” dagdag niya.

Ayon kay Lopez, inatasan ang magkabilang panig na maghain ng memorandum sa loob ng tatlong araw habang ang susunod na pagdinig ay itinakda sa Agosto 2.

Noong nakaraang linggo matatandaang hiniling ng Alipato Media Center, ang publisher ng Bulatlat, na ibasura ang utos ng National Telecommunications Committee (NTC) sa mga internet service providers (ISP) na i-block ang access sa Bulatlat.com at 20 iba pang website na pinaghihinalaang konektado sa mga teroristang komunista.

Batay ito sa tatlong resolusyon na inilabas ng Anti-Terror Council na nagde-designate sa ilang organisasyon at indibidwal bilang mga terorista.

Pero, hindi naman tinukoy sa mga nasabing resolusyon ang Alipato, Bulatlat at mga staff nito bilang mga terorista.

Nanindigan naman si Atty. Frank Lloyd Tiongson, isa sa abogado ng organisasyon na walang kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council na ipag-utos ang pag-block  sa mga website.

“We pointed out under the Anti-Terrorism Act itself where the power of the Anti-Terrorism Council comes from ay hindi naman sila binibigyan ng kapangyarihan to order the blocking of a website without any premature of court,” paliwanag ng abogado.

“Because there was no basis at all… they are citing the ATC resolutions, we have pointed out before the Court that there is no indication that Bulatlat.com, Alipato Media Center is the designated entity,” dagdag niya.

Saad naman ng Bulatlat, nagdulot ng “irreparable damage” sa ating constitutional rights ang naturang memorandum lalo’t hindi pa rin naa-access ng kanilang audience ang kanilang website. RNT/ JCM