Hiling ng ina ni Keith Absalon: NPA, sama-sama nating tapusin

Hiling ng ina ni Keith Absalon: NPA, sama-sama nating tapusin

July 14, 2021 @ 6:15 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang ina ng napaslang na varsity player na si Kieth Absalon sa lahat ng Filipino na makiisa at magsama-sama upang wakasan ang mga pang-aabuso ng komunistang-terorista Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front.

Inihayag ni Ginang Vilma Absalon na kailangan nang matigil ang masamang hangarin ng CPP-NPA-NDF, sa lingguhang balitaan ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Sama-sama tayo at magkaisa para tapusin ang kanilang masamang layunin” ang tinuran ng Ina ni Kieth na pinatay ng mga NPA sa pamamagitan ng ipinagbabawal na anti-personnel mines.

Inilahad din niya ang kanyang suporta sa “Nationwide Bike for Peace and Justice for the Absalons” na gagawin sa Sabado (17 July 2021), ang ika-40 araw ng pagkamatay ng kanyang anak at ang pinsan biting si Nolven sa mga kamay ng teroristang-komunistang CPP-NPA-NDF.

Si Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa larangan ng Social Media at Sectoral Concerns ay nangako namang itataguyod  ng Task Force ang paglagak ng hustisya sa pagkanatay ng kanyang anak at ng pinsan nito.

Nanawagan din si Badoy na magkaisa ang mga Filipino na labanan ang komunistang-terorista upang samahan ang pamahalaan na umaasang ang buong bayan ay susuporta sa pakikipaglaban sa CCP-NPA-NDF.

Kinumpirma naman ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. “tinarget” talaga ng CPP-NPA-NDF si Kieth Absalon dahil sikat itong atleta at pagsusulong nito ng sports para sa mga kabataan.

Samantala, bilang suporta sa mga Absalon, inanyayahan naman ni Christian Kier Betito, presidente ng “Propelling Our Inherited Nation Through Our Youth” (POINTY) Inc., ang lahat na makilahok sa bike event “Justice for Kieth Absalon! Justice for all the victims of all human rights abuses of the Communist Terrorist Groups,” sa July 17.

Ang International Association of Youth and Students for Peace (IYSP) sa pamamagitan ng Program Coordinator nito na si Angelito Cainday ay nagsaad na, na sila ay sasali Bike for Peace “upang ipakita na kahit si Kieth ay pinatay na, ginising ng pangyayari ang diwa at isipan ng maraming kabataang Filipino na kailangan ng kumilos at magsama-sama para wakasan ang pang-aabuso ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. RNT