Hiling ni Marcos na paimbestigahan ang ‘kontrobersiyal’ na  PET outing, hindi kinatigan ng SC

Hiling ni Marcos na paimbestigahan ang ‘kontrobersiyal’ na  PET outing, hindi kinatigan ng SC

July 13, 2018 @ 1:34 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi na kailangang imbestigahan pa.

Ito ang naging sagot ng Korte Suprema  na siyang umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa hiling ng kampo ni dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na paimbestigahan ang ‘kontrobersiyal’ na outing ng revisors at ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Pansol, Laguna.

Sa manifestation of grave concern na inihain ng kampo ng Marcos noong Lunes, sinabi nito na kasama ang revisor ng kampo ni Robredo na si Osmundo Abuyuan sa out of town trip at iginiit na ang pakikisamang ito ay paglabag sa rules.

Ayon sa manifestation, “Protestant Marcos received information that on Friday, 22 June 2018, there was an ‘outing’ at ‘3J’s Resort’ located at Lot 11, Barangay Pansol, Calamba City, Laguna which was attended by a party revisor for the protestee, Maria Leonor ‘Leni Daang Matuwid’ G. Robredo (‘Robredo’), together with 24 Head Revisors, Alternate Head Revisor, Appraiser, Ballot Box Custodians/Handlers and Chief Tabulator of this Honorable Tribunal.”

Pero sa inilabas na resolusyon ng PET ay nagsagawa na sila ng kanilang imbestigasyon at hindi na kailangan pang paimbestigahan muli.

“[We] deny the motion to investigate as theTribunal has already commenced and concluded its investigation relative to the subject ‘Pansol outing’,” ayon sa PET.

Nauna rito, nagpaliwanag na rin ang kampo ng bise president na alam ng kampo ni Marcos ang naturang outing at sa katunayan pa anila ay invited din ang kanyang mga revisors.

Humiling din ng permiso si Atty. Romulo Macalintal na siyang abogado ni Robredo na ilabas ang closed circuit television (CCTV) footage para Makita ang isa sa mga supervisor ni Marcs na si Roderick Miranda na naghahatid ng pagkain sa opisina ng PET bago ang outing. (Remate News Team)