Hindi bababa sa 146 patay sa Halloween stampede sa SoKor

Hindi bababa sa 146 patay sa Halloween stampede sa SoKor

October 30, 2022 @ 12:24 PM 1 month ago


SEOUL — Hindi bababa sa 146 indibidwal ang nasawi sa stampede nang magtipon-tipon ang mga indibidwal upang dumalo sa Halloween party sa isang alley sa night life area sa South Korean capital Seoul nitong Sabado, ayon sa emergency officials.

Nagtamo naman ng sugat ang 150 indibidwal sa Seoul’s Itaewon district, Choi Sung-beom, ayon sa pinuno ng Yongsan Fire Station, sa isang briefing.

Kabilang sa mga nasugatan ang seryoso ang kondisyon, ayon sa mga opisyal. Karamihan sa mga dumalo sa pagtitipon ang nakasuot ng mask atHalloween costumes.

Naganap ang insidente bandang alas-10:20 ng gabi (1320 GMT).

“A number of people fell during a Halloween festival, and we have a large number of casualties,” ani Choi. Karamihan sa mga namatay ay nasa nightclub, aniya.

Karamihan din sa mga biktima ay mga kababaihan na nasa 20s, base kay Choi.

Makikita sa social media footage sna daang katao ang nagsiksikan sa masikip na alley at hindi makagalaw nang subukan silang hilahin ng emergency officials at ng mga pulis.

Makikita sa ibang footage na ginagamot ang mga sugatan na walang mga malay.

Ito ang unang Halloween event sa loob ng tatlong taon matapos alisin ang COVID restrictions at social distancing.

Pinangunahan naman ni President Yoon Suk-yeol ang isang emergency meeting kasama ang senior aides upang talakayin ang insidente.

“The area is still chaotic so we are still trying to figure out the exact number of people injured,” ani Moon Hyun-joo, opisyal mula sa National Fire Agency.

Iniimbestigahan na umano ang dahilan ng insidente. RNT/SA