Hindi bababa sa 60 MMDA personnel nasapul ng COVID- Artes

Hindi bababa sa 60 MMDA personnel nasapul ng COVID- Artes

January 5, 2022 @ 4:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iniulat ni Metropolitan Manila Development Authority general manager Romando Artes nitong Miyerkules na 60 empleyado ng MMDA ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Base kay Artes, nasa 100 empleyado ng MMDA ang isinailalim sa COVID-19 testing nitong Martes at nang lumabas ang resulta, napag-alamang hindi bababa sa 60 indibidwal ang natamaan ng virus.

“Right now po, mayroon po tayong infections… in fact kahapon po nagpa-swab tayo ng may mga symptoms, out of 100, it was reported this morning, ‘yung na-swab kahapon, ay nasa 60 plus po ‘yung positive,” ani Artes.

Patuloy niya, karamihan sa mga kaso ay mild at asymptomatic, at halos lahat ng empleyado ng MMDA ay bakunado na laban sa COVID-19.

Nasa 8,000 ang empleyado ng MMDA. RNT/SA