Hindi naipamahaging P2B cash aid, iimbestigahan ng DSWD

Hindi naipamahaging P2B cash aid, iimbestigahan ng DSWD

July 21, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes na iimbestigahan nito ang umano’y pagpalya na maipamahagi ang halos P2 bilyong halaga ng financial aid. 

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang ahensya matapos hindi maipamahagi ang P1.9 bilyong cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program. 

Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na halos P1.7 bilyon ang naibalik na sa Bureau of Treasury. 

“Paiimbestigahan ko po ito, ano ang nangyari? Pero initially mayroon na akong report dito parang nagkakaroon daw ng confusion. Hindi pa po malinaw pero I will keep on investigating,” pahayag ni Tulfo sa public briefing.

“Naibalik naman ang pera sa Bureau of Treasury, hindi naman talaga siya nawala. Yun nga lang, ang nakakalungkot, hindi naibigay sa tao noong kinakailangan ng tao yung budget,” dagdag niya.

Aniya pa, karamihan sa mga hindi naipamahaging SAP ay muka sa mga opisina ng ahensya sa Metro Manila at sa Visayas. 

Ayon pa sa DSWD chief, kinakailangan niyang magtalaga ng mga tauhan para suriin ang isyu. RNT/SA