Hindi narinig ang busina ng tren… pipi’t bingi , putol ang binti sa sagasa

Hindi narinig ang busina ng tren… pipi’t bingi , putol ang binti sa sagasa

June 26, 2018 @ 7:15 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Putol ang isang kanang binti ng isang 37 anyos na pipi’t bingi, nang masagasaan ng dambuhalang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Tondo, Manila iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si Rosilito Mamangon, binata ng Bo.Roxas St., Tondo, Manila at kasalukuyang nasa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 5:00 ng hapon, nang maganap ang insidente sa riles ng tren.

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing umano sa simbahan si Mamangon lulan ng kanyang bisekleta, at pagsapit sa riles ng tren, inakay na lamang umano nito, subalit dahil sa pipi’t bingi, hindi nito naririnig ang pitada ng paparating na tren, maging ang ilang naroroon ay nagsiisgawan na pero balewala umano ito sa biktima, hanggang sa masagasaan na ito at maputol ang kanyang kanang binti .

Napag-alaman na hindi umano nakakabit ang hearing aid ng biktima ng mga sandaling iyon. (Rene Crisostomo)