Hindi pamilya Lopez ang tinutukoy ni PDU30 sa nabuwag na oligarkiya – Malakanyang

Hindi pamilya Lopez ang tinutukoy ni PDU30 sa nabuwag na oligarkiya – Malakanyang

July 14, 2020 @ 3:21 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Malakanyang na ang pamilya Lopez ng ABS-CBN corporation ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Roa na nabuwag niyang oligarkiya kahit hindi siya nagdedeklara ng Batas Militar dahilan upang maging masaya siya ngayon.

To the rescue si Presidential spokesperson Harry Roque sa paglilinaw na ang tinutukoy umano ng Chief Executive ay ang mga business tycoon na si Lucio Tan, ang mga Ayalas at Manuel V. Pangilinan na rason naman ng galit noon ni Pangulong Duterte sa ilang usapin.

“Hindi po obvious ‘yun. Ang sabi ko po, he was referring to the oligarchs which he named and he actually threatened to destroy but reconsidered,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, umamin kasi si Pangulong Duterte na masaya siya dahil kahit hindi siya nagdeklara ng Martial Law ay nabuwag niya ang oligarkiya na kumukontrol sa ekonomiya ng Piliinas.

“Im very happy. Alam mo bakit? Sabi ko, without declaring Martial Law. I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Filipino people.”

“Sabi ko sa lamesa, sabi ko ang oligarchy ng Pilipinas binuwal ko talaga. Iyan ang, iyan ang sentimyento ko rin para malaman mo rin,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga sundalo sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na binasura ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-Cbn corporation kamakailan.

Sinabi naman ni Sec. Roque na “coincidental” na ang naging talumpati ng Pangulo sa nasabing okasyon ay ang naging desisyon ng Kongreso na ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.

“I believe so kasi palagi naman niya sinasabi sa mga talumpati niya ‘yung mga oligarchs na talagang siya mismong bumuwag. Ito naman pong kaso ng ABS-CBN eh kaso po na nag-expire ang prangkisa at hindi na-renew ng Kongreso,” giit ni Sec. Roque.

Matatandaang makailang ulit na nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin nito ang ABS-CBN’s franchise renewal dahil sa hindi niya makalimutang hindu nai-ere na campaign advertisements noong 2016.

Sinabi ni Sec. Roque na neutral si Pangulong Duterte sa usapin matapos na humingi ng paimanhin ang network noong Pebrero. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...