Hindi sa health workers, kundi sa government leaders – Villar

Hindi sa health workers, kundi sa government leaders – Villar

August 2, 2020 @ 11:01 AM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Hindi pinatutungkol sa health workers kundi sa lider sa gobyerno ang kanyang pahayag hinggil sa pagsisipag upang mabawasan ang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa, ayon kay Senador Cynthia Villar.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na kailangan magtrabaho nang husto ang ating mga lider sa gobyerno upang mabawasan ang epekto ng virus sa ekonomiya, health sector at pangkalahatang mamamayan.

Aniya, hindi patungkol sa medical frontliners ang kanyang naunang pahayag hinggil sa panawagan na magkaroon ng two-week break at panukalang ibalik sa enhance community quarantine ang Metro Manila.

“We have to work harder and better, but I am not referring in particular to the medical workers–our frontliners,” ayon sa senador.

Sinabi ni Villar na tinutukoy niya tayong lahat, ang Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa partikular.

“Alam ko po ang sakripisyong ginagawa ng ating mga health frontliners. Buhay nila ang nakataya sa ginagawa nilang pag-aalaga sa ating mga kababayan na nagkaroon,” lahad pa ni Villar.

Giit ng senador, maraming pagkakataon para mapahusay ang pagtugon ng pamahalaan sa pagpigil ng paghawa ng sakit.

“We in Congress have just passed the Bayanihan package 2, after intense debates, to provide health and financial support to the people. The government’s economic team will have to work harder to raise the money to fund the package; the Task Force and the LGUs will have to work harder in trying to trace and manage movements of people and businesses to prevent more infections, and at the same time, be mindful of the people’s desire to earn a living,” ayon sa mambabatas mulang Las Pinas.

Nanawagan din si Villar sa lahat ng mamamayan na mahigpit na tuparin o sundin ang health protocols na ipinagawa ng mga health experts.

“We all want to be safe and COVID-free. All of us are doing a difficult balancing act to keep people safe and alive. We all need to keep our jobs, the economy, to do our respective roles to sustain this. All of us have to work harder and better,” ayon sa mambabatas. Ernie Reyes

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...