Hinihinalang lider ng magnanakaw ng motor sa RII, nalambat

Hinihinalang lider ng magnanakaw ng motor sa RII, nalambat

October 3, 2022 @ 6:15 PM 2 months ago


CAGAYAN VALLEY – Bumagsak sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang hinihinalang lider ng isang bagong motornapping group sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay PMaj. Arnel Talattad, Investigation/Intellegence Division ng CIDG RFU2 ang suspek ay kinilalang si Bryan Tolentino, 18 anyos at residente ng Pinmilapil, Sison, Pangasinan.

Una rito, ang suspek ay nangkarnap ng motorsiklo at nakitang itinutulak lamang ito.

Samantala nang tanungin ang suspek ng otoridad ay sinabi nito na galing umano ang motorsiklo sa Solano.

Matapos maberipika, napag-alaman na walang anumang report ng nakawan ng motorsiklo noong panahong iyon sa naturang lugar.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang CIDG sa iba pang istasyon ng pulisya hanggang sa may natanggap ang mga itong report mula Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya na may isang motorsiklong nawawala.

Batay sa report, isang motorcycle Bonus 110 na pagmamay-ari ni Reonel Nipal ang nawala habang nakaparada sa harap ng kanyang bahay.

Ayon sa biktima, hatinggabi noong Setyembre 19 ng matuklasan nito na nawawala ang kanyang motor.

Matapos makumpirma na tugma ang chassis at engine number ng motor ng biktima at motor na nasa suspek, agad nagtungo sa Kaliwanagan, Nueva Ecija ang CIDG, PNP Dupax del Sur at ang biktima.

Napag-alaman, dati na ring may kasong trespass to dwelling ang nasabing suspek at pinaniniwalaang kabilang ito sa isang grupo ng mga magnanakaw.

Agad na sinampahan ng kaso ang suspek na pansamantala nasa kustodiya ng pulisya. Rey Velasco