Hinihinalang lider ng NPA, patay sa sagupaan sa Masbate

Hinihinalang lider ng NPA, patay sa sagupaan sa Masbate

October 9, 2022 @ 1:24 PM 2 months ago


MASBATE – Patay ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army leader sa sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa Cataingan, Masbate nitong Sabado, Oktubre 8.

Ito ang inilabas na ulat ng Philippine Army kung saan kinumpirma ni Major John Paul Belleza, public affairs chief ng 9th Infrantry Division, ang nasawi ay kinilalang si Lito Villaces Ajena alyas “Cesar” ng Larangan 2 ng Komiteng Probinsya 4 – Bicol Regional Party Committee.

Ayon kay Belleza, nagresulta ang operasyon sa tip ng isang concerned citizen na may armadong kalalakihan sa Barangay Liong.

Kagyat naman nagkasa ng operasyon ang militar na nagresulta sa 10-minutong palitan ng putok sa limang hinihinalang rebelde pasado alas-6:30 ng umaga, Oktubre 9.

Makalipas nito ay narekober ng mga otoridad ang wala nang buhay na katawan ni Ajena at mga armas. RNT/JGC