Hinulugang Taktak ibabalik sa dating ganda – Antipolo gov’t

Hinulugang Taktak ibabalik sa dating ganda – Antipolo gov’t

September 24, 2020 @ 12:58 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakatakdang buhayin ng lokal na gobyerno ang dating pasyalan at pinagkakaguluhang Hinulugang Taktak.

Sa pakikipagtulungan sa Manila Water, susubukang ibalik sa dating ganda ng Antipolo City ang Hinulugang Taktak sa pamamagitan ng itatatag na sewage treatment plant project sa nasabing lugar.

Nito lamang mga nakaraang araw ay pinirmahan ni Mayor Andrea Bautista Ynares ang isang kasunduan sa East Zone water concessionaire, Manila Water, sa pagtatatag ng Waste Water Management Treatment Plant (WWMTP) sa nasabing waterfalls.

Sinaksihan nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, at Manila Water chief operating officer Abelardo P. Basilio ang pirmahan ng kasunduan kasama si Manila Water president at CEO Rene Almendras.

Sa nasabing kasunduan, bubuuin ng Manila Water ang WWMTP sa loob ng limang taon. Kapag nakumpleto na ay eksklusibo itong patatakbuhin ng Manila Water sa pakikipagtulugan ng lokal na gobyerno, ayon kay Mayor Ynares.

Ayon sa lokal na gobyerno ng Antipolo na kayang magproseso ng nasabing proyekto ng 16 milyong litro ng wastewater kada-araw.

 “The falls will be an attraction in itself since the water is already treated (after WWMTP completion), bringing back the old glory of the famed falls,” ani dating Antipolo Mayor Junjun Ynares III. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...