Hipag ni Rayver, sinopla si Pilita!

Hipag ni Rayver, sinopla si Pilita!

April 11, 2022 @ 8:31 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng hipag ni Rayver Cruz ang pahayag ni Pilita Corrales na ang aktor daw ang nakipagkalas sa apo nitong si Janine Gutierrez.

Si Dianne Medina-Cruz ay asawa ni Rodjun Cruz na kapatid ni Rayver.

Ayon sa naiulat namin dito sa Remate Online nitong April 7, inamin daw ni Janine sa kanyang mamita na si Rayver daw ang umatras sa kanilang relasyon.

Itinanggi naman ito ni Dianne.

But as far as Janine’s supporters are concerned, hindi nila nagustuhan ang umano’y pakikisawsaw ni Dianne sa isyung wala naman siyang kinalaman.

Lumilitaw lang daw na hindi boto si Dianne bilang nobya noon ng kanyang bayaw.

Nauna nang sinabi ni Rayver na walang third party sa paghihiwalay nila ni Janine.

At the moment, nauugnay ang ex-couple sa kanilang respective co-stars: si Janine kay Paulo Avelino at si Rayver kay Julie Ann San Jose.

Pero wala pang pag-amin mula sa dalawang pares.

Samantala, what does Pilita have to say on this? Sinabi nga ba talaga ‘yon ni Janine? Ronnie Carrasco III