Hipon Girl, gagawing beauty queen ni Wilbert Tolentino!

Hipon Girl, gagawing beauty queen ni Wilbert Tolentino!

February 9, 2022 @ 8:00 AM 8 months ago


Manila, Philippines – The start of year 2022 is truly fruitful for businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino.

Aside from Wilbert’s ward, Daisy Lopez aka Madam Inutz, aba, don’t look now because Herlene Budol aka Hipon Girl is the newest addition sa lumalaking pamilya ni KaFreshness as she inks a contract with Wilbert.

Tama, si KaFreshness na nga ang official business manager ni Hipon Girl, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz.

Of course naman, gaya ng naglalabasang reports, hayahay ang buhay ni Madam Inutz kay Wilbert, as her manager. Aside from the fact na talagang ginagastusan at bininogyan ng todo-effort ni KaFreshness si Madam Inutz ay meron pang ilang perks like niregaluhan lang naman ni Wilbert ng house and lot ang kanyang ward worth P5M.

And not only that dahil in a very short period of time ay nagkasunod-sunod din ang release ng mga singles ni Madam Inutz namely Inutil, Sangkap ng Pasko, Marites at ang pinalahuli ay ang Madam.

FYI, ang naunang single ni Madam na Inutil ay nag-enjoy ng sandamakmak na airplays sa mga leading FM stations dahil sa dami ng mga request.

At ‘yan malamang ang mangyayari kay Hipon Girl ngayong officially aybusiness manager na niya si Wilbert.

At the rate things are going, mukhang maraming talents, especially mga internet personalities, ang gusto nang magpa-manage kay Wilbert dahil sa agresibo at kakaibang pag-aalaga niya sa mga wards.

Kaya naman no wonder at excited na rin si Hipon Girl sa mga mangyayari sa kanyang career ngayong under the helm na siya ng isang legit at matinong business manager like KaFreshness Wilbert Tolentino.

Malaki ang plano ni KaFreshness Wilbert sa career ni Hipon Girl dahil aside from big projects sa business of show na nakalatag na sa harapan ng TV host/comedian ay ire-repackage siya ng kanyang bagong manager to become a beauty queen. Yes, you heard it right!

Kaya naman approve at naka-thumbs up ang mga netizens sa career move na ginawa ni Hipon Girl dahil nasa mabuting mga kamay na siya ngayon under the direction of KaFreshness Wilbert Tolentino. JP Ignacio