Hipon Girl, hindi mag-i-english sa Bb. Pilipinas!

Hipon Girl, hindi mag-i-english sa Bb. Pilipinas!

April 29, 2022 @ 12:07 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Dahil sa hirap na pinagdaanan sa buhay at pagpapakatotoo sa sarili ay marami ang humahanga at nakikisimpatiya kay Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.

Hinangaan ng mga netizen ang kanyang kakaibang tapang at tatag ng loob na kahit binu-bully, nilalait at pinagtatawanan dahil sa kanyang hitsura ay hindi siya sumuko. Lahat kasi ng kanyang pagsisikap ay para sa kanyang pamilya.

Kaya naman naging maamo ang kapalaran kay Hipon Girl kung saan pinapirma siya ng kontrata sa GMA 7. At sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ay nagkaroon siya ng total makeover at nakapasok bilang isa sa 40 semi-finalists ng Bb. Pilipinas 2022.

Teary-eyed si Hipon Girl nang tawagin ang kanyang number na 67 sa final screening ng pageant.

Napaiyak siya nang marinig na tinawag ang pangalan niya habang naghihintay silang mga kandidata sa likod at nagpasalamat na sinagot ang kanyang dasal.

“Sana mahalin nyo ako bilang Hipon Girl na doon ninyo ako nakilala, ipinapangako ko na hindi ako magbabago at hindi lalaki ang ulo ko. Maraming-maraming salamat sa inyo, sa aking family, at lahat ng mga taong nag-guide at sumuporta sa akin.”

Pinauna na rin ni Nicole Herlene Budol (tunay niyang pangalan) na hindi niya ipu-push ang sarili na magsalita ng English during the question and answer portion ng pageant. Ang gagamitin niya ay Filipino language. Gerry Ocampo