Hipon Girl, na-bash sa Afro hairstyle!

Hipon Girl, na-bash sa Afro hairstyle!

July 7, 2022 @ 1:28 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Bagama’t nilinaw naman ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl na hindi fashion kundi statement ang kanyang afro hairstyle ay umani pa rin siya ng katakutakot na batikos sa social media.

Ibinida kasi ng Kapuso actress at Binibining Pilipinas candidate sa Facebook at Instagram ang kanyang afro hair style na kuha sa isang pictorial.

Minatch ito ni Herlene sa suot niyang black outfit.

May mga pumuri at meron din namang nam-bash sa kanya.

Ayon sa mga netizens, dapat daw ay alam ni Herlene ang tinatawag na cultural appropriation.

Nauso kasi ang afro hairstyle sa mga African-American noong dekada sisenta upang kundenahin ang nararanasang oppression.

Payo ng netizen kay Herlene, “Don’t wear it, that’s not yours. Do not use it for publicity!”

Nakatagpo naman ng ilang kakampi si Herlene sa mga netizen na nagsasabing walang impact ang pictorial niya kung straight ang buhok niya.

Wala naman daw isyu sa pagsusuot niya ng afro hairstyle.

Nilinaw naman daw ni Herlene na hindi ‘yon bahagi ng fashion kundi may mensahe siyang gustong iparating.

Hinihintay pa ang reaksyon ni Herlene hinggil sa nasabing isyu. Ronnie Carrasco III