Hipon Girl, nagbigay ng inspirasyon sa mga insecure!

Hipon Girl, nagbigay ng inspirasyon sa mga insecure!

July 1, 2022 @ 12:42 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Masaya si Herlene Budol aka Hipon Girl sa tagumpay ng kanyang YouTube series na “Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask!”

Positive naman ang feedback ng mga netizens

matapos maipalabas ang isang episode nito recently.

FYI ay ito ang very first leading role ni Hipon Girl kung saan ay binigyang buhay niya ang character ni Maita. As of now ay marami na ang nag-aabang kung ano ang mangyayari sa next episode ng nasabing online series na mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube.

“Kahit ako, nae-excite sa mga namgyayari kasi kahit na maraming challenges na pinagdaanan ‘yung online series namin, e, happy naman ako kasi sinuportahan at nagustuhan ng mga netizens.

“Kinabahan pa nga ako nu’ng una kasi first bida role ko ito, mabuti na lang nagustuhan ng mga viewers,” sabi pa ni Hipon.

Iba’t-iba nga ang naging reactions dito ng netizens.

Sabi ni Olivia Ibatuan, “The story is funny but with a pinch, especially sa mga young ladies ba ipinanganak na di nabigyan ng magandang face. Just like Herlene in the story, masyadong mababa ang confidence sa sarili. Nakakarelate ang narami sa kuwento.”

“Super Ganda ng love story para sa akin. Bigla akong bumata, nakakakilig,” sabi naman ni Celia Jane Bartolome.”

Marami rin sa mga netizens ang nagsabi na binigyan ni Herlene ng pag-asa ang mga babaing insecure sa sarili.

Sa ikaapat na episode, magpapatuloy ang online na pag-uusap at pagkakaibigan ni Malta at Sieg, ang leading man ni Herlene.

Sa ngayon ay nakatutok si Hipon Girl sa kanyang journey bilang kandidata sa Binibining Pilipinas.

Ang “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” ay may bagong episode tuwing Sabado, 7 PM, JP Ignacio