Hipon Girl, praktikal, tinanggap ang bahay na bigay ni Wilbert Tolentino!

Hipon Girl, praktikal, tinanggap ang bahay na bigay ni Wilbert Tolentino!

August 18, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Napakaswerte naman ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene ‘Hipon’ Budol sa pagkakaroon niya ng manager sa katauhan ni Wilbert Tolentino. Grabe ang suportang ibiinibigay at ipinapakita nito sa kanya.

Sa pagsali ni Hipon sa Bnibining Pilipinas 2022 ay todo talaga ang suporta ni Sir Wilbert kay Hipon.  Ginastusan niya ang dalaga mula sa training, sa ginamit na national costume at sa gown. Sobrang mahal ng mga ‘yun, huh! Balewala lang naman kay Sir Wilbert kung ginastusan man niya nang malaki si Hipon. Gusto niya talaga na manalo ito. At ayun nga, hindi man nakapag-uwi ng korona, at least, humakot naman ng special awards at first runner-up pa.

At ang pinakabongga sa lahat, binigyan ni Sir Wilbert ng house and lot si Hipon. Kaya naman sobrang pasasalamat ng komedyana sa kanyang mabait at generous na manager.

Sa bago niyang vlog sa YouTube na may titulong Bagong House and Lot ni Herlene Budol, ay paulit-ulit niyang pinasalamatan si Sir Wilbert.

“Sobrang generous niyang tao, ang unang minotivate niya sa akin (na sumali sa Binibining Pilipinas), ‘Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, e, para naman sa iyo ito, e.’

“Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na nagkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo iyan, ano ka ba?’”

At nang alukin nga siya ng manager na sumali sa Binibining Pilipinas kapalit ang isang bonggang bahay ay pumayag na siya.

“Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko,” sabi pa ni Hipon. Rommel Placente