Hipon Girl, sasali sa Bb. Pilipinas!

Hipon Girl, sasali sa Bb. Pilipinas!

March 18, 2022 @ 10:15 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Wow naman! Ibang level na talaga ang beauty ngayon  ni Herlene Budol aka Hipon Girl.

Aba, nagte-training na siya ngayon sa Kagandahang Flores (KF) bilang paghahanda sa pagpasok sa Bb. Pilipinas this year.

‘Yan ang pag-admit ni Hipon sa virtual mediacon ng rom-com digital series niyang Ang Babae sa Likod ng Face Mask.

Tinanong din si Hipon kung magpapa-enhance ba siya ng face sa pagpasok niya sa pageant.

“Yes, enhancement lang, gluta-gluta. Tapos, gawa tayo ng thread…Thread po, ‘yung parang sinulid na napapanood ko sa YouTube,” sabi niya.

Amg sinasabi ni Herlene na “thread” ay ang nose thread lift procedure na pampatangos ng ilong.

13 episodes ang digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, na magpa-pilot sa Marso 26, Sabado, 6:00PM sa Puregold Channel sa YouTube.

Sabi sa Pep.ph, inspired ng pelikulang Blusang Itim (minus the fantasy element) ang nasabing serye, kung saan leading man si Kit Thompson at kontrabida si Kiray Celis. Included din sa cast sina Mickey Ferriols, Hasna Cabral, at VJ Mendoza, sa direksyon ni Victor Villanueva.

Konsepto at iprinodyus ito ni Direk Chris Cahilig para sa Puregold.

Ito ang unang serye na bida si Hipon.

“Kulang talaga ako sa confidence kaya para siguro din sa akin ‘yung Babae Sa Likod ng Face Mask, kasi relate na relate ako.

“Kasi, hindi naman ako ganu’n ka-fresh. Kaya kumakapit din lang talaga ako sa face mask!

“Simula nu’ng nagkapandemya, talagang nag-thank you ako. Ay! Hindi ako magli-lipstick, hindi ako magkikilay. Deadma ako!

“Basta ako, mamamalengke ako nang fresh, ganu’n. Kasi, naka-face mask na.

“Kaya parang naka-relate talaga ako. Kaya sinabi ko na nasa panahon talaga ‘tong istoryang ito na andaming makaka-relate.”

Kuwento naman ng producer na si Direk Chris, “When I talked to Miss Ivy, marketing manager ng Puregold, and the team, nag-present kami ng napakaraming konsepto for the series.

“Tapos parang, may mga shortlisted. Plus meron akong isang lumang concept na kinausap ko na actually si Herlene noong October last year pa about it, Ang Babae Sa Likod ng Face Mask nga.

“And then, nu’ng isinama ko siya sa pinitch ko na story, unanimously, ‘yun ang napili ng ating mga friends sa Puregold.

“So, it was really meant, I think, na para kay Herlene ito. Moment niya talaga ito! Kasi, kumbaga, the script was conceptualized and written for her.” JP Ignacio