Hipon, Madam Inutz at Pastillas, sumabak sa kabobohan challenge!

Hipon, Madam Inutz at Pastillas, sumabak sa kabobohan challenge!

April 5, 2022 @ 8:12 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Kakaibang game ang naisip laruin nina Herlenw Budol a.k.a. Hipon Girl, Madam Inutz at Angelica Yap a.k.a. Pastillas Girl para sa  vlog ng huli.

Mahihinuhang nakapaglaro na sila before ng Kabobohan Challenge pero this time ay may twist.

Simple lang ang game: magbibigay silang tatlo ng mga halimbawa ng mga bagay according to category.

Salitan ang turns.

Ang twist, ang sinumang mali ang sagot o hindi nakasagot sa tanong ay hahampasin ng plastic bottle sa ulo.

Questions ranged from kinds of vegetables to brands of wristwatches.

Para sa mga manonood, hindi si Hipon Girl ang pinakabobita sa tatlo tulad ng madalas sabihin sa kanya ng mga bashers.

In fact, of the three ay angat ang “kabobohan” ni Madam Inutz sa paraang cute.

Imagine, pinagsama niya ang Gucci at Dolce and Gabbana na tatak? “Ducci” raw!

‘Kaaliw na, ‘kaloka pa! Ronnie Carrasco III