HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-30 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-30 LABAS)

July 31, 2020 @ 8:00 PM 3 days ago

Share

“Tama na! Tama na!”

Lumilipad nang tuluyan ang utak ni Peter, tumitirik ang mga matang nakalabas ang dila na animo’y aso.

Tumayo pa ito at hinawakan ang pundya. Isinusulong paharap at iniaatras ang baywang.

“Maya! Maya! Ang sarap-sarap mo! Ang sarap-sarap moooo! Uuungh! Maya…”

Nang tatangkain na nitong buksan ang kanyang zipper para ilabas ang kanyang ari, lalong nataranta ang lahat.

“Stop him! Stop him!” Galit na sigaw ng judge.

Agad dinakma ng special police officers si Peter at kinaladkad palabas ng silid.

Pero parang wala ito sa sarili patuloy pa rin sa kanyang pagsasalita.

“Ang sarap-sarap mo, Mayaaa!”

Tinapos ng judge ang trial dahil sa kaguluhan. Nagbigay ito ng bagong schedule.

Sa labas ng courtroom, kausap ni Marco ang kanyang abogado nang dumaan si Peter hawak ng mga pulis.

Nagtama ang kanilang paningin. Tumigil si Peter, ngising aso.

“Baka akala mo baliw ako? Talagang masarap ang asawa mo, palaban, dude! Yeh! Promise! Gusto ko pa nga, e!”

Nagdilim ang paningin ni Marco, dinamba si Peter at “Um! Um! Hayup ka! Hayup ka! Hayup kaaa!”

Bagsak ito sa semento. Kinubabawan pa ito ni Marco.

Suntok na walang patid ang inabot ng ulo nito. Babasagin ni Marco ang mukha ng akusado.

“Awat na! Awat na! Mr. Saavedra!”

“Papatayin kita! Papatayin kitaaa!” Duguan na ang mukha ni Peter.

Hindi siya nakapanlaban dahil nakaposas ang kanyang mga kamay sa likuran.

Kumilos na rin sina Leo at Mang Dencio, ngayon lang nila nakitang galit si Marco.

“Tama na, Marco. Tama na!”

“Huwag muling magkukrus ang landas natin, kundi ibabaon kita sa libingan!”

Nailayo ng mga awtoridad si Peter. Takot at sindak ang nakita sa maga at sugatang mukha nito.

Nang wala na rin ang mga pulis, pumabor sa kanyang ginawa sina Leo at Mang Dencio.

“Tama lang ang ginawa mo, Marco! Kulang pang inabot niya dapat putulan pa ng ari ang adik na iyon!”

“Baliw na iyon sa droga, Sir Marco!” Nahiya sa inasal niya si Marco.

Humingi ito ng paumanhin sa kanilang abogado. Tumango lang ito at “Kailangang paghandaan natin ito. Tiyak ipipilit nila ang insanity plea…”

ITUTULOY

Share

Comment (1)

  • comments Reply

    Let me send comments for you.
    10,000 comments cost $1, 100,000 comments cost $5
    You can receive this comment, it means that I sent it successfully.
    If you want to buy, pay 1 or 5 dollars through PayPal, after that,
    Send the following information to my Email:
    Name, email, Url, content.
    I will send the send Log to you by email within three days
    My PayPal & Email: sdzfd@hotmail.com

    July 31, 2020 at 8:01 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...