HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-31 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-31 LABAS)

August 1, 2020 @ 8:00 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Sumapit ang itinakdang paglilitis… ang mga kasama naman ni Peter ang isinalang sa korte.

“Mr. Ricardo Salmon, noong gabi ng April 29, 2016. Paano kayo nagkita ni Peter Sandoval?”

“M-May lakad po talaga kami. Magba-bar hopping kami ng tropa. Pero sa hangout niya kami pinasunod. Doon n-nakita namin ‘yun babae, alam namin pokpok eh! Kasi palaban!”

Hindi sinang-ayunan ng abogado ni Marco ang mga kalapastanganang pagsasalarawan ng mga akusado kay Maya.

Pero pinahuntulutan ito ng judge, para matukoy ang paratang nila rito.

Lumilinaw ang kaso sa patuloy na pagpapalitan ng mga ebidensya.

Lumitaw na sa unang panghahalay ng grupo kay Maya, inihatid nila ito sa harap ng bahay nang walang nakapansin.

Sa araw na iyon naganap ang tangkang pagpapakamatay ni Maya, kung saan napilitang umuwi si Marco mula sa pagtatrabaho sa abroad.

Sa ikalawa, inamin ng mga sangkot ang krimen.

“Magkakasama kami ng grupo, may inuman kami sa bagong hangout namin sa abandonadong Villa Santa. Hinihintay namin si Peter. Nagulat na lang kami, dala na niya ulit si Maya!”

“Opo! Ang sabi niya, nakita niyang naglalakad si Maya sa daan umiiyak. Ang totoo po, lagi niyang binabanggit at inaabangan si Maya. Obsessed siya ru’n! Nadala na rin niya kami…”

May naglalaglag kay Peter, mailigtas lang ang sarili.

“Nakatulog kami sa sobrang kalasingan at paggamit na rin ng droga, kaya’t ‘di namin alam na nakatakas na pala iyong babae!”

“Hindi po namin alam ang sumunod na nangyari. ‘Di namin alam na nabundol na siya ng trak! Si Peter lang naman po talaga ang nagdala kay Maya sa amin. Takot nga kaming gawin iyon!”

Sa pagharap ng driver sa korte, sinabi nitong lumabas sa kadawagan si Maya at sinalubong ang kanyang minamaneho.

“Hindi ko na po nagawang ipreno, mabilis ang pangyayari.”

Pero nakakuha rin ng testigo ang panig ni Peter.

“Ako po ay taxi driver na sinakyan ni Maya. Taon 2019, napansin ko tuwing malulubak ang sasakyan namimilipit siya, umuungol.”

“S’yempre po, tao lang ako. Lalaki ako. Makita mo ba namang hawak niyang kuwan niya e, ano iisipin ko? Opo! Dinala ko siya sa liblib na lugar at ginamit! Para siyang balon, ‘di natutuyuan!”

ITUTULOY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...