HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-32 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-32 LABAS)

August 2, 2020 @ 8:00 PM 1 day ago

Share

Nanlalaki ang mga mata at naglalaway sa pagmumuwestra ang taxi driver.

Pinalilitaw ng kampo ni Peter na nag-e-enjoy si Maya sa casual sex at sex party ang naganap sa Villa Santa.

Lalong naging kontrobersyal ang kaso sa pagtakbo pa ng mga panahon.

Hindi naawat nina Marco ang nakalulusot na pagsubaybay ng media sa kaso ni Maya.

Naging sensationalized, nagbunsod ng public interest at excitement ito na naging viral sa social media.

“Eh, nymphomaniac pala iyong Maya! Adik sa et***! Sarap siguro ng babaeng malibog!”

“Kamo, baliw iyong Peter Sandoval na iyon! Psychopathic! Manyakis at bayolente pala iyon, dami ng hinaharas wala lang makapagreklamo!”

“Pareho lang pala sila, e isang babaeng kuratcha at isang lalaking manyakol! Wahahaha!”

Mga panlalait, kabastusang ibinabato ng social media kay Maya na halos ‘di na makayanan ni Marco.

Muling bumalik ito sa paglalasing.

Isang umaga… “Ding! Dong!” Tunog ng doorbell.

Dali-daling binitiwan ni Aling Maria ang hawak na panlinis at binuksan ang gate.

Nabungaran niya si… “Sir Leo, mabuti’t dumating ka! Si Marco…”

Alam na ni Leo ang ibig sabihin ni Aling Maria.

Kaya’t dumiretso siya sa second floor, sa azotea. At nakita niya ang kanyang matalik na kaibigan kaharap ang ilang bote ng alak.

“Pare, aga niyan, ah! Baka magkasakit ka na niyan. Araw-araw ka na naman yatang umiinom?”

Kita sa mukha ni Leo ang matinding pagmamalasakit.

“Hindi solusyon iyan sa problema, pare!”

“Hinusgahan na nila kami. Hinusgahan nilang pagkatao ni Maya… napakasakit! Asawa kong biktima rito, dapat ang mga hayup na iyon ang maparusahan sa pambababoy nila kay Maya!”

“Naiintindihan kita, pare. Kaya nga ilalaban pa natin ito. Bago ilabas ang desisyon ng korte, kailangang maghabol tayo ng bagong ebidensya!”

Yumuko si Marco, nangilid ang luha sa mga mata.

“Mahal na mahal ko si Maya, pare. Sobra akong na-guilt sa ginawa ko sa kanya…”

“Pare, nakaraan na iyon. Moved on na. Kailangan kang magpakatatag, huling baraha na natin ito, para mabulok na sa kulungan ang mga adik na iyon!”

Muli ang paghaharap sa korte.

Sa pagkakataong ito, bitbit na ng abogado ni Marco ang mga dokumentong magsasalba sa pagkatao ni Maya at sa nasirang pangalan ng kanyang pamilya.

ITUTULOY

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...