HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-33 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-33 LABAS)

August 3, 2020 @ 8:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

“Narito, your honor ang ilang kopya ng intensive evaluation at treatment ni Maya simula 2013.”

Sabik na pinakinggan nila ang pinakahuling ebidensya na iniladlad ng counsel nina Marco.

“Si Maya ay nagkaroon ng symptoms ng Arteriovenous Malformations…”

“Kimpal ito ng abnormal blood vessels na lumalaki sa utak. Baldado, ‘di makakakilala. Ginamitan ng beam radiation ang malformation si Maya kaya naiwasan niya ang surgery.”

“After two years siya’y maka-recover sa AVM, nakitaan siya ng sintomas ng PGAD o Persistent genital arousal disorder (PGAD). Allow me, your honor na ipaliwanag ng doctor kung ano ito.”

Pinahintulutan sa kanyang request ang abogado. Lumakad ang isang doctor sa kanilang harapan at umupo malapit sa judge, dala nito ang mahahalagang katibayan sa nasabing sakit.

“Ang PGAD ay naglalarawan sa walang tigil, kusa at uncontainable genital arousal, kadalasan ito sa mga babae.”

“Ang isang babaeng may PGAD ay nakararanas ng spontaneous orgasms na hindi nare-resolve ang arousal. Pero ang arousal na ito ay walang kaugnayan sa sexual desire.”

“Maaaring pansamantalang mapakalma ang sintomas ng climaxing, pero maaari itong biglang bumalik ng ilang oras. Ang episodes ng intense arousal ay maaaring tumagal ng mga taon.”

“Sa sakit, ‘di makontrol ang genital arousal, mayroon man o walang orgasm o genital engorgement, walang kinalaman sa anomang damdamin ng sexual desire.”

“Salamat, Doc. Your honor, si Maya Saavedra ay ‘di kusang loob na sumama kay Peter Sandoval, kundi siya ay pinuwersang madala sa lugar as per testimonies ng mga saksi.

“Ang naranasan nilang spontaneous orgasms nito ay dahil sa PGAD! Walang kaugnayan sa anomang damdamin, o siya’y nasarapan at nagustuhan ang ginawa ng mga akusado.”

Nagbulungan ang mga tao sa loob ng courtroom. Lalo nang humarap ulit sa kanila si Marco.

“Ang aking asawa ay dumanas ng pagkabalisa, panic attacks, depresyon at kabiguan.”

“Inaari niyang malaking kasalanan ang paulit-ulit na pag-atake ng kanyang sakit. Inilalayo niya ang sarili sa karamihan. Natatakot siyang libakin ng mga tao, duraan, kamuhian.”

ITUTULOY


  •  
  •  
  •  

Loading...