HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-34 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-34 LABAS)

August 4, 2020 @ 8:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

“Madalas siyang umiiyak, nagi-guilt sa tuwing nahuhuli ko siyang patagong hinahawakan ang kanyang sarili. Niyayakap ko siya, maibsan man lang ang kanyang matinding paghihirap.”

“Wala siyang kasalanan sa inyo, o kanino pa man. ‘Di niya kasalanang magkaganoon, biktima siya ng matinding karamdaman! Ang alam lang niya ay magmahal, mahalin kami ng anak niya!”

“Kaya’t huwag n’yo siyang husgahan!” Humagulgol si Marco.

Naantig ang kalooban ng lahat.

Humina ang depensa sa kampo ni Peter sa sinasabi nilang kusang loob na sumama sa kanila si Maya.

Isang malakas na ebidensya ang DNA na nakuha sa kanila bilang mga perpetrator.

Bukod pang mga ebidensya ng genital injury mula sa sexual assault na pinagtibay sa forensic examination matapos ang rape sa magkaibang panahon na-review sa medical records ni Maya.

Dagdag pa ang psychological trauma na naranasan ni Maya bilang rape victim na lalong nagdagdag ng pagkagambala sa emosyon at pag-iisip nito kaya naisipang magpakamatay.

Malaki rin ang naiambag ng matapang na paglutang ni Mang Turing bilang saksi kung paanong pinagtulungang pagsamantalahan ang walang labang babae sa kamay ng limang salarin.

Kinamayan ni Leo ang kanilang abOgado nang makalabas sila ng courtroom.

“Maraming salamat po, Attorney! Supalpal sila sa mga ebidensyang iniladlad natin!”

“Tiyak na wala na silang maikakatwiran pa. Mabubulok na sila sa kulungan!”

Lumapit rin si Marco kay Atty. Torres.

“Utang ko sa inyo ang kapayapaan ng aming pamilya at katarungan ng aking asawa, Atty. Maraming-maraming salamat!”

Sumapit na ang pinakahihintay ng lahat, ang pagbasa sa kahatulan sa limang akusado.

“…matapos ang ilang panahong pag-aaral sa kaso, naitatag ni Judge Adelaida Cardiones na ang lahat ng nasasakdal na sina: Peter Sandoval, George Cruz, Louie Limbas, Rodelio Castro at Perlito Zefa, ay guilty beyond reasonable doubt sa crime of rape…”

“. . . sila ay hinahatulan ng maximum penalty ng reclusion perpetua para sa bawat isa…”

Hinatulan din ng pagkabilanggo ang driver ng truck na nakasagasa kay Maya bagama’t sa mababang kaparusahan matapos mapatunayang nagpakamatay talaga si Maya.

ITUTULOY


  •  
  •  
  •  

Loading...