HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-35 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-35 LABAS)

August 5, 2020 @ 8:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Napatawan ng kaparusahan sa pagsasabwatang mailigtas sa krimen si Peter ang kapatid sa ama nitong dating kumandidatong gobernador at ang imbestigador na humawak ng kaso.

Umiyak sa sobrang tuwa sina Mang Dencio at Aling Maria nang marinig na pabor sa kanila ang pagbasa sa kahatulan ng korte laban sa mga akusado.

Nagpalakpakan ang mga sumaksi.

“Salamat po! Salamat po, Panginoon!” Umiiyak na sambit ni Marco sa kanyang pagkakapikit.

Walang nagawa at ‘di na nakapagsalita ang mga nahatulan, lalo na si Peter.

Kahit na ginamit niya ang insanity defense para makapag- plead sa isang criminal trial, hindi ito nagtagumpay.

Inamin niyang ginawa niya ang panghahalay, pero isinalaysay na ‘di siya nagkasala dahil sa sakit sa kaisipan.

Bagaman, nakitaan siya ng compulsive sexual behavior epekto ng droga at alak.

Ang Persistent Sexual Arousal Syndrome (PSAS o PGAD) ay walang koneksyon sa hypersexuality (nymphomania o satyriasis.)

Pambihirang sakit ito, madalas inililihim ng sufferer dahil ikinokonsidera nilang kahalay-halay at kahiya-hiya.

Mapangwasak ang mga sintomas at nakapanglulupaypay ang mga epekto sa normal na pang-araw-araw na buhay ang PSAS.

Walang gamot o walang sapat na lunas hanggang ngayon.

Ang kamangmangan, pagtatwa at kawalan ng pang-unawa, panlilibak ng publiko sa pamamagitan social media ay nagdudulot ng matinding kabigatan sa mga nagdurusa rito.

Hindi pormal na kinikilala ng medical community (World Health Organization), itinuturing pa nila itong mental disorder, kaya nagbubunga ito ng kawalang pag-asa at isolation sa mga sufferer.

Heritage Park. Nakaluhod sa lupa si Marco.

Sa pagkakataong ito, ‘di bagsak kanyang mga balikat.

Ipinapatong niya sa bagong linis na puntod ang bungkos ng sariwang mga bulaklak.

Sa kanyang kanan, may kasalukuyang inililibing.

Kaya’t pumailanlang ang madamdaming awitin ni Jamie Rivera.

Muling bumigat ang kanyang dibdib, dumaloy ang luha sa mga mata…

Hiram sa Diyos ang aking buhay
Ikaw at ako’y tanging handog lamang
‘Di ko ninais na ako’y isilang
Ngunit salamat dahil may buhay

ITUTULOY


  •  
  •  
  •  

Loading...