HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-36 LABAS)

HIRAM SA DIYOS ANG ATING BUHAY (IKA-36 LABAS)

August 6, 2020 @ 8:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Hindi na niya naitago ang pag-iyak sa patuloy na pagkikinig ng awit.

Ligaya ko na ako’y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Sinong may pag- ibig?
Sinong nagmamahal?

Kung ‘di ang tao Diyos ang pinagmulan
Kung ‘di ako umibig
Kung ‘di ko man bigyang halaga
Ang buhay na handog
Ang buhay kong hiram sa Diyos

Kung ‘di ako nagmamahal
Sino ako?

“Maya… sana’y napatawad mo ako sa huling sandali ng buhay mo. Kailanma’y hindi kita ipinagpalit. At dadalhin ko ang alaala mo hanggang sa huling pintig ng puso ko.”

Lumingon siya sa paligid. Kung noo’y laging dapit-hapon ang tingin niya sa kapaligiran, maaliwas na ngayon.

Naglaho ang madilim niyang kahapon mula sa mapait na mga karanasan.

Higit niyang nauunawaan ang buhay, na ang bawat pangyayari masakit man ay may dahilan.

Tumingala ito sa langit.

“Ang mundo ay nilikha mo at Ikaw ang pinagmumulan ng mga bagay…”

“Ikaw ang bukod-tanging nagmamalasakit at nag-iingat sa amin… kaya’t wala kaming dapat ipagdamdam.”

“Ikaw, oh Diyos ang may hawak ng aming buhay, ang hiram naming buhay.”

“Dalangin ko lang ay gabayan mo ako sa pagpapalaki ng aming anak…”

Lumapit sa kanya si Marcus na ngayo’y 8-anyos na.

Niyakap ito ni Marco.

Tinulungang ilapag sa puntod ang iginuhit nito sa papel na isang ‘happy family.’ Hinalikan niya ang pisngi ng anak.

“Maya, ito na si baby Marcus.

Palalakihin ko siyang hindi mabubura ang alaala mo.

TATAPUSIN


  •  
  •  
  •  

Loading...