Hirap magtalaga ng taong hahawak: P100B Coco Levy fund, gawing trust fund na lang-PDu30

Hirap magtalaga ng taong hahawak: P100B Coco Levy fund, gawing trust fund na lang-PDu30

July 23, 2019 @ 2:58 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumiyok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahihirapan sIyang magtalaga ng taong hahawak sa higit P100 bilyon na Coco Levy fund.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa ay sinabi ni Pangulong Duterte na sacred money kasi ang Coco Levy fund dahil galing sa bulsa ng mga magsasaka sa bansa.

Kaya ang pangamba ng Chief Executive ay hindi malayong maaring makurakot lamang ang nasabing pondo.

Sinabi pa niya na mahirap aniyang maghanap ng isang tapat na tao na hahawak sa pondo.

Kaya ang mungkahi ng Punong Ehekutibo ay gawing trust fund na lamang ang naturang pondo.

Aniya pa rin, tama ang desisyon ng Korte Suprema na huwag nang ibalik ang pera sa mga magsasaka dahil mahihirapan na ang gobyerno na kilalanin kung sinu-sino ang nararapat na tumanggap ng pera.

Sinasabing, panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nabuo ang Coco Levy fund na para sana sa mga magsasaka. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...