Hirap na dinanas sa paghahanap ng PPE, sinariwa ng IATF

Hirap na dinanas sa paghahanap ng PPE, sinariwa ng IATF

September 8, 2021 @ 7:23 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa konteksto ang kaliwa’t kanang mga batikos ukol sa umano’y overpriced face masks at iba pang personal protective equipment (PPE) na binili ng pamahalaan noong Marso at Abril 2020.

Sa ginanap na Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinariwa ng mga opisyal sa IATF ang kanilang naging hirap sa paghahanap ng mga suplayer ng COVID-19 equipments tulad ng PPE sets noong pagsisimula ng pandemya.

Sinabi ni IATF member and Trade Secretary Ramon Lopez na ang bansa ay walang local sources ng face masks at PPE sets nang tumama ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa first quarter noong 2020.

Aniya, nang magsimula ang demand para sa face masks na taasan noong unang bahagi ng 2020 dahil sa Taal Volcano eruption at Covid-19 outbreak, tanging ang Bataan-based Medtecs International Corp. Ltd. ang tanging manufacturer ng medical-grade face masks sa bansa.

 “However, Medtecs’ output is for exports,” anito.

Sinabi ng Kalihim na bunsod ng mataas na demand ng PPE sets noong panahon na iyon ay limitado lamang ang suplay, presyo ng face masks at PPE sets ay mataas at unstable.

 “If you talk of March, April, May (2020), prices were high back then,” aniya pa rin.

Noong panahon na iyon, tinawagan ng pansin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga local manufacturers na mag- produce ng kinakailangan na medical-grade face masks.

Ang Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (Conwep) at iba pang manufacturing companies, kabilang na ang mga producers ng electronics industry, ay nag-shift ng bahagi ng kanilang operasyon sa paggawa ng face mask.

“They heeded the call of the government to start local production of face masks,” ayon sa Kalihim.

Subalit, hindi aniya madali para sa mga kompanyang ito na magsimula ng face mask production dahil kailangan ng mga ito na mag-angkat ng bagong makina at iba pang teknolohiya at maging ng raw materials para sa paggawa ng PPE sets.

“Starting it that time was challenging because even the fabric used to produce face masks were expensive, and there was also (a) shortage,” Out of nothing, they have to produce,” ayon kay Lopez.

Aniya, ang EMS Group, electronics firm na nag-shift sa face masks production, ay isa sa mga kompanya na naunang nakapag-produce ng PPE para sa local market.

Sinabi ni Lopez na nakapag-poduce ang EMS noong huling bahagi na ng May 2020 at nakiisa sa government bidding at nakapag-suplay ng sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) noong Hunyo.

“with the limited production capacity of the local manufacturers, it was challenging for them to supply the government’s face mask requirement in huge volume,” ani Lopez.

“During those times, many must have forgotten our situation in March, April, May last year,” ayon naman kay National Task Force Against Covid-19 deputy chief implementer Vivencio Dizon sabay sabing “The national government had a hard time to find the necessary supply (of PPE sets) especially for our healthcare workers.”

Idnagdag pa ni Dizon na ang biniling face masks at iba pang PPE sets noong panahon ng Covid-19 outbreak noong nakaraang taon ay ibinigay ng libre para sa healthcare front-liners. Kris Jose