Hirap sa byahe, dulot ng ‘revenge’ Christmas reunion, party – DOTR

Hirap sa byahe, dulot ng ‘revenge’ Christmas reunion, party – DOTR

December 23, 2022 @ 2:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Batid ng Department of Transportation (DOTR) na ang hirap sa byahe ngayong holiday season ay dulot sa mas mataas na aktibidad ng mga tao partikular na dito sa Metro Manila dahil sa ‘revenge’ Christmas party at reunion na hindi naranasan ng mga Filipino sa nagdaang dalawang taon.

Ito ang sinabi ni DOTr undersecretary Timothy John Batan nang hingan ng pahayag sa ulat na napakahirap umano ng pagbook sa mga masasakyan partikular na ang ride-hailing app na Grab.

“We know that there’s so much increased travel now. It’s the time of revenge Christmas parties, revenge reunions, kaya we have increased demand in the airport, we have increased demand throughout the Metro so I’m not sure we can specifically point to that as the reason for the difficulty to hail rides,” paliwanag ni Batan sa panayam ng ANC.

Matatandaan na nagkaroon ng kasunduan ang DOTR at Grab Philippines para sa paglalaan ng nasa 200 Grab car units na ilalagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang serbisyuhan ang mga pasaherong galing sa paliparan.

Bahagi ito ng programa ng MIAA na “Airport to Anywhere” pilot program. RNT/JGC