Hirit na badyet ng DTI, BCDA aprub na sa Senado

Hirit na badyet ng DTI, BCDA aprub na sa Senado

October 17, 2022 @ 5:58 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Senate finance subcommittee ang hirit na P19.99 bilyon 2023 budget ng Department of Trade and Industry at ang P3.1 bilyon budget ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Ayon kay Senador Mark Villar, chairperson ng Senate committee on trade at finance sub-panel, siniguro niyang ang proposed budget ng DTI at attached agencies ay sapat upang maipatupad ang mga programa ng epektibo.

“It is my hope that the DTI and its attached agencies will achieve its goals and programs as we begin this new administration,” pahayag ni Villar.

Hindi rin napigilan ni Villar na sabihin sa BCDA kasabay ng pagdinig na malapit sa kanyang puso ang ahensya dahil ito ang puso ng Department of Public Works and Highways sa kanilang Build, Build, Build Program sa nakalipas na administrasyon.

“It’s a pleasure to be here to be the one to support you in your budget,” ani Villar.

Sa hiwalay na pagdinig ng finance subcommittee na inupuan ni Senador JV Ejercito, inaprubahan na rin ang P46.2 milyon proposed budget para sa 2023 ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority. RNT/JGC