Hirit na BSKE budget, P4B na lang – Comelec

Hirit na BSKE budget, P4B na lang – Comelec

October 18, 2022 @ 2:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ibinaba ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang budget request para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa P4 bilyon mula sa P10 bilyon, sinabi ni Commissioner George Garcia nitong Martes.

Nauna nang sinabi ng Comelec na kailangan nito ng karagdagang P10 bilyong budget sakaling mailipat ang BSKE elections sa 2023.

Gayunpaman, sinabi ni Senator Imee Marcos na ito ay isang “outrageous demand.”

“Yesterday, we submitted likewise, we offered a P4 billion additional budget na instead na P10 billion. We said that we’ll not proceed with this activity, we’ll not proceed with this one, we’ll not procure this one,” sabi ni Garcia sa CNN Philippines.

“Of course, all will be dependent on the number of voters that will be registering from November to May because definitely, we will be again opening up the registration of voters,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Garcia na isinumite na rin ng Comelec ang mga kinakailangang dokumento kay Marcos, na ipinagpaliban ang deliberasyon sa panukalang 2023 budget ng poll body noong Lunes dahil sa kabiguan nitong magsumite ng mga kinakailangang dokumento.

Nang tanungin kung makokompromiso ang kalidad ng mga halalan sakaling tanggihan ang kahilingan sa badyet, sinabi ng komisyoner na mahihirapan ang poll body.

“Mahihirapan po ang Comelec sa supervision and conduct of the elections, sa management of the elections because alam naman po natin with the conduct of the election, the resources will be very-very important,” saad ni Garcia.

Maalala na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang postponement ng BSKE mula Disybre 2022 sa Oktubre 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden