Hirit na case dismissal sa Malampaya fund scam ibinasura

Hirit na case dismissal sa Malampaya fund scam ibinasura

June 26, 2022 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanindigan ang Sandiganbayan sa desisyon nitong tanggihan ang petisyon ng ilang indibidwal na umano’y sangkot sa Malampaya fund scam na ibasura ang graft and malversation charges laban sa kanila.

Sa resolusyong may petsang Hunyo 21, ibinasura ng anti-graft court’s Fifth Division ang apela ni former Department of Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at ex-DAR director Teresita Panlilio, maging ni former DAR chief administrative officer Ronald Venancio ar former DAR chief accountant Angelita Cacananta na muling ikonsidera ang pagbasura sa kanilang motions to quash.

Iginiit ng apat na akusado na nilabag ng Office of the Ombudsman ang karapatan nula sa mabilis na disposisyon ng kaso,

Subalit sinabi ng Sandiganbayan na pumalya ang mosyon “to raise substantial and/or compelling matters” para sa muling pagkonsidera ng korte sa May 12, 2022 resolution.

“As previously discussed, the voluminous records representing numerous transactions speak for themselves, and the Court recognizes that the prosecution’s claim of such volume was not unfounded. The Court, however, cannot assume anything as to why the Ombudsman had not filed the information in court after concluding the preliminary investigation,” saad sa resolusyong isinulat ni Associate Justice Rafael Lagos. 

“But taking into consideration the overall circumstances of this case…whatever delay incurred in the proceedings cannot be taken against the prosecution because institutional delay, in the proper context, should not be taken against the State,” dagdag pa dito.

Inaakusahan sina Pangandaman at iba pang indibidwal ng umano’y paglilipat ng P900 milyon mula sa Malampaya fund sa bogus non-government organizations na iniuugnay kay convicted plunderer Janet Napoles.

Nakalaan ang naturang pondo para sa relief operations, rehabilitation, at reconstruction ng mga lugar na napinsala ng tropical cyclones Ondoy at Pepeng. RNT/SA