Hirit na content regulation sa Netflix, ibang streaming platform para lang sa ‘post-monitoring’ – MTRCB chief

Hirit na content regulation sa Netflix, ibang streaming platform para lang sa ‘post-monitoring’ – MTRCB chief

September 4, 2020 @ 3:11 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong Biyernes ukol sa hirit nitong paglilimita sa mga streaming service tulad ng Netflix sa bansa na umani ng kritisismo sa publiko.

Ayon sa MTRCB na wala silang intension na panghimasukan ang karapatan ng mga manonood sa pamamagitan ng paglimita sa mga panood online.

“The word kasi na regulate they feel we’re curtailing their freedom. No. MTRCB is not a censoring board anymore. It’s not like before. We go by the times. Hindi siya ibabawal, it’s sort of a co-regulation,” ani MTRCB chairperson Rachel Arenas.

Ang tinutukoy nila sa kanilang panukala ay ang pagiging iisa ng klasipikasyon ng mga manager ng platform sa kanialang motion picture rating sa contemporary values ng mga Pilipinong manonood.

“Based on our guidelines, you classify, you give your ratings aligned with our rating and then we’ll just do post-monitoring,” ani Arenas.

“It will be a post-monitoring. We’re not going to review all their materials before they show it… When we do monitoring and then their classification is not aligned with us, that’s the time we’re going to call on them,” paliwanag pa ng MTRCB chair.

Giit pa niya na nais lang ng MTRCB na palakasin ang community standards at bukas sila sa mga suhestyon ng stakeholders. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...