Hirit na state of calamity sa agri sector kay PBBM, oks sa solon

Hirit na state of calamity sa agri sector kay PBBM, oks sa solon

July 12, 2022 @ 7:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sang-ayon ang sektor ng agrikultura sa pagdedekla ng agriculture state of calamity o emergency si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang rekasyon ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party List Representative Nicanor Briones hinggil sa naging pahayag ng Philippine Chamber of Agriculture and Food na bukas ang Pangulo sa pagdedeklara ng agriculture state of emergency.

Sa media forum sa Maynila, sinabi ni Briones na ang unang ginawa ng Pangulo bilang bagomng kalihim ng Department of Agriculture (DA) ay nagpatawag ng mga nasa sektor ng agrikultura na aniya ay magandang indikasyon na gusto niyang kunsoltahin ang ibat-ibang sektor ng agrikultura.

Naniniwala si Briones na gustong malaman lahat ng Pangulo kung ano ang kailangan ng bawat sektor sa ating bansa pagdating sa agrikultura.

Malinaw din aniya na kaya hinawakan ni PBBM ang agrikultura ay batid niya at nakita ang mga problema ng sektor ng agrikultura at kakulangan ng pagkain sa bansa.

“Nakikita niya na ang seguridad ng ating bansa ay nakasasalay din sa pagkakaroon ng sapat ng pagkain at kitang-kita rin niya na kulang sa suplay ng pagkain ang bansa at nakikita niya sa kamahalan ng bilihinin”,ani Briones.

Sa pagdedeklara ng state of calamity o emergency sa sektor ng agrikultura, sinabi pa ni Briones na importanteng masolusyunan kaagad ang mga problema ng ibat-ibang sektor ng agrikultura.

Pangunahin aniyang kailangan ay pondo upang mabilisang maaksyunan ang pangangailangan tulad sa sektor ng pagbababoy para matigil ang African swine fever (ASF), bird flu para sa sektor ng magmamanok , at iba pang magsasaka tuwing may kalamidad na dapat maayudahan agad ng gobyerno kapag sila ay tinamaan ng bagyo, baha o peste sa mga tanim ,fish kill,at iba pa na hindi inaasahang pangyayari.

Ayon kay Briones, ito ang kahalagahan kung maideklara ng bagong administrasyon ang state of emergency o calamity sa sektor ng agrikultura .

Dagdag pa niya na maari rimng magpagawa ng supplemental budget sa Kongreso para mapondohan ang dapat pondohan gayundin ang local government na maaring gamitin ang kanilang mga pondo .

“Magset-aside din ng budget sa bawqat bayan sa bawat probinsya ang ating mga local government unit ,ibig sabihin malaking pondo agad ang maitutulong sa sktor ng agrikultura”.pahayag pa ni Briones. Jocelyn Tabangcura-Domenden