Hirit na taas-presyo ng bakers’ group tinawaran ng DTI

Hirit na taas-presyo ng bakers’ group tinawaran ng DTI

October 13, 2022 @ 7:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang pakikipag-usap ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) sa hirit na taas-presyo sa mga tinapay.

“We are still negotiating with PhilBaking,” sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo nitong Miyerkules, Oktubre 13.

Kinumpirma mismo ni Castelo sa CNN na ang grupo ay humihirit ng 10% hike sa presyo ng Pinoy Taste samantala 17% na taas-presyo naman sa Pinoy Pandesal.

Kung maaaprubahan ito, ang presyo ng Pinoy Pandesal na P23.50 kada bag na may laman 10 piraso ay magiging P27.50 na samantala magiging P42.50 mula sa P38.50 ang isang pack (450g) ng Pinoy Tasty.

Ang hirit na ito ay dahil sa pag-aray ng mga may-ari ng bakery at maliliit na negosyo dulot ng mataas na presyo ng mga baking ingredients at suplay katulad ng harina, asukal at gasolina.

Hindi pa binanggit kung kailan inaasahan mailalabas ang desisyon sa usapang ito. RNT/JGC