Hirit na taas-sahod binubusisi ng DOLE

Hirit na taas-sahod binubusisi ng DOLE

November 12, 2022 @ 2:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga apela na taasan ang minimum na sahod sa gitna ng tumataas na inflation, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Sinabi ng kalihim na iginagalang nila ang panawagan at kanilang titingnan ang mga realidad at kadahilanan na dapat isaalang-alang kung kinakailangan na naman ng panibagong adjustment.

Naunang nanawagan ang Partido Manggagawa para sa P100 across-the-board increase sa minimum wage sa bansa dahil bumaba ng P76 ang purchasing power ng minimum wage earner dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Laguesma na ang DOLE regional directoelra kasama ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ay nagpulong noong Huwebes upanb talakayon ang pinakabagong pag-unlad na mag-uudyok ng talakayan para sa pagsasaayos ng minimum na sahod.

Umabot ang inflation sa 7.7% noong Oktubre, ang pinakamabilis sa loob ng 14 na taon, dulot ng mas mataas na presyo ng pagkain at mga non-alcoholic beverages sa nasabing panahon.

Inaprubahan ng mga regional wage boards noong unang bahagi ng taon ang pagtaas ng minimum wage sa ilang rehiyon, na may pinakamababa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may P305, at ang pinakamataas sa Metro Manila na may P570 noong Oktubre 2022.

Gayunpaman, sinabi ni Laguesma na bukod sa pagtataas ng sahod, maaari ding palawigin ng gobyerno ang mga subsidyo para sa mga minimum wage earners. Jocelyn Tabangcura-Domenden